La Trinidad, Benguet – Opisyal na tinanggap ni Police Col. Joseph P. Bayongasan ang kanyang posessyon bilang bagong Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office (PPO), kasunod ng isinagawang seremonya ng paglulukluk na ginanap sa Benguet Police Provincial Office, Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet noong nakaraang Biernes.
Dumalo si PRO Cordillera Regional Director, PBGEN. David K. Peredo, Jr., sa naturang okasyon bilang Guest of Honor & Speaker, at Presiding Officer.
Samantala, binasa ni PCol. Arnold D. Razote, ang Chief of the Regional Personnel and Records Management Division, ang termination order ni PCol. Damian D. Olsim bilang outgoing Provincial Director of Benguet PPO at ang kautusang pagtatalaga kay Police Col Bayongasan bilang bagong Provincial Director.
Sa kanyang pag upo bilang bagong Provincial director, sinabi ni PCol. Bayongasan ang kanyang taos pusong pasasalamat sa pamunuan ng PNP na nagtiwala sa kanya ng responsibilidad kasabay nito ang kanyang kahilingan ng lbuos ng pagtutulungan at suporta ng lahat ng kapulisan ng benguet sa ilalim ng kanyang pamumuno na lahat sila ay magtrabaho para sa kaayusan at kapayapaan ng probinsiya ng Benguet.
Kung inyong matatandaan na si Police Col Bayongasan ay dating hepe ng Regional Intelligence Unit-14 bago siya itinalaga bilang bagong director ng Benguet Provincial Police Office. Samantala, nagpasalamat si Police BGen Peredo, Jr., kay Police Col Olsim sa lahat ng kanyang pagsuporta at sa proyekto ng pananatiling mapayapa na kanyang nagampanan bilang outgoing Provincial Director of Benguet Police Provincial Office.
Ang Regional Director ay nagpahayag din ng pagbati sa bagong Provincial Director, PCol Bayongasan sa pagtanggap ng kanyang bagong posesyon. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of PPO Benguet)
