33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Baguio: Bagong gusali ng Bureau of Fire Protection–Buguias itatayo na

- Advertisement -

Buguias, Benguet – Magkakaroon na ang Buguias Municipal Fire Station ng sarili nilang gusali. Ito ay matapos ang isinagawang ground breaking ceremony kamakailan lamang. Ang nasabing gusali ay itatayo sa Barangay Loo, Benguet.

Aabot din sa 5 milyong piso ang nakapondong pera na inihanda ng lokal na gobierno ng probinsiya ng Benguet para sa pagpapatayo ng gusali ng Bureau of Fire Protection ng Buguias doon.

Inaasahan na makakatulong ang bagong gusali sa trabaho ng mga firemen doon upang lalong mapaganda ang serbisyo ng Buguias Fire Station sa madla.

Ang ground breaking ceremony ay dinaluhan nila Benguet Governor Melchor Diclas, opisyal ng BFP at Buguias LGU. (Joel Cervantes, photo courtesy LGU Buguias)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -