Baguio: Ang pagpasok ng Biggest Vegetable Salad sa Guiness World Record hangad ng Munisipyo ng La Trinidad, Benguet

0
7

La Trinidad, Benguet – Hangad ng lokal na gobierno ng La Trinidad na makapasok ang biggest vegetable salad sa Guiness World Record.

Ito ang sinabi ni Mayor Romeo Salda, isa ito sa kanilang pinaghahandaan sa susunod na taon pati na rin ang paghahanda ng malaking halaga bilang pondo para sa nasabing plano.

Sinabi niya na dapat nang maghanda ang mga magsasaka at ng iba na may kaugnay sa industria ng gulay na maging katuwang ng munisipyo upang maisagawa ang naturang plano.

Idinagdag pa ng mayor na kailangang maisagawa nila ang pagsasaliksik kung mayroong holder ng worldrecord sa paggawa ng pinaka malaking vegetable salad.

Ayon kay Salda, ito ang ikalawang world title na nais ng munisipyo matapos matamo ng La Trinidad ang Guinness World Record sa paghuhulma nila ng pinakamalaking o higanteng strawberry shortcake noong 2004. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU La Trinidad)

Leave a Reply