29.8 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Baguio: Ang mga kapulisan at PDEA-CAR nakasabat ng 7 milyong pisong halaga ng illegal na druga sa Tuba, Benguet

- Advertisement -

Tuba, Benguet – Sa isang ulat na tinanggap ng RPN news, ang magkasanib na pangkat ng PDEA–CAR at Abra, Baguio–Benguet Police Office, at ng Tuba Municipal Police Station nakasamsam ng 60,000 grams o 60 piraso ng Marijuana sa pormang tubular na nagkakahalaga ng 7,200,000 milyong piso sa ginawang buy bust operation sa Camp 4, Kennon Road, Tuba, Benguet noong nakaraang linggo.

Isang miyembro ng operatiba ang nagkunwang bibili ng kanyang panindang Marijuana noong siya ay mahuli ng maykapangyarihan.

Kasabay ng pagkakasamsam ng illegal na druga ang pagkaaresto sa isang katao hinihinalang may dala ng nasabing Marijuana noong Miercules ng hapon, (Marso 20, 2024).

Kinilala ito sa pangalang Arnel Lao-an Guidayos, 26 na taong gulang, isang hardinero, at taga Lingey, Takadang, Kibungan, Benguet.

Maliban sa illegal na druga, ang mga may kapangyarihan ay nakakuha pa ng ilang karagdagang bagay tulad ng mga sumusunod: Isang cellular phone, isang Inabel traveling Bag, na naglalaman ng mga kasuotan at isang plastic na naglalaman ng “nga-nga” at isang paper bag na naglalaman ng boodle money.

Ang Suspek at ang nasamsam na illegal na druga ay nasa pagiingat ng humuling yunit at humaharap sa paglabag sa Ra 9165 comprehensive Dangerous Drugs act. (Jimmy Bernabe | Joel Cervantes)

(Source: PDEA- Benguet & PNP Tuba)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -