Baguio: Abra Police Provincial Office tinanggap ang bago nilang Provincial Director

0
13
photo courtesy of PNP Cordillera

Bangued, Abra – Tinanggap ng mga tauhan ng Abra Police Provincial Office (PPO) ang bago nilang provincial director sa katauhan si PCol Jeremias G. Oyawon sa isang Turn-over of Command Ceremony na ginanap sa Multi-Purpose Center ng Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet, noong Biernes. Ang seremonya ay pinangunahan ng Regional Director of the Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO-CAR), PBGen David K. Peredo, Jr., at sinaksihan ng iba pang miyembro ng PRO-CAR Command Group at ng ibang tauhan ng Police Regional Office-CAR.

Mainit na tinanggap ni PCol Froiland B. Lopez ang pansamantalang umako sa pagiging OIC, si PCol Oyawon, na nagpasalamat sa tauhan ng Abra PPO sa kanilang walang sawang pagsuporta at pakikiisa sa kanyang panunungkulan.

Bilang pagtugon, ipinaabot ni PCol Oyawon ang kanyang paghanga sa outgoing Provincial Director at nagpahayag din siya ng pasasalamat sa pamunuan ng PNP sa pagtitiwala nila sa bago niyang tungkulin.

Kanyang binigyang diin ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng tauhan ng Abra Police Provincial Office na kabilang sila sa pananatili sa kapayapaan at seguridad ng probinsiya. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: PNP Cordillera)

Leave a Reply