31.1 C
Manila
Wednesday, February 21, 2024

Baguio: 20 porsientong diskwento para sa mga maagang magbabayad ng buwis ng kanilang pag-aari

- Advertisement -

Baguio City – Nagpalabas ng isang kalatas si City Treasurer Alex B. Cabarrubias nagpapaalala sa mga real property owners sa Lungsod ng Baguio na magbayad ng 2 percent basic real property tax (RPT) at karagdagan na isang 1 percent Special Education Fund (SEF) sa lungsod ng Baguio sa taong ito. 

Ang mga Statement of accounts ay maaring makuha sa online sa ebpls.baguio.gov.ph or baguioinmypocket.ph ng basic RPT at ang additional SEF tax ay dapat na mabayaran na magkasabay. 

Kanyang ipinaliwanag na ang kasalukuyang real property tax at additional levy para sa SEF ay dapat bayadan na buo para sa buong taon bago mag enero ng susunod na taon.

Ang magbabayad ng tax ng buo sa buong taon bago ang Enero ng susunod na taon, ang taxpayer o magbabayad ng buwis ay may karapatang mag bayad ng advance payment discount na 20 porsiento. 

Kung nakabayad ng buo sa pagitan ng Enero hangang sa katupusan ng Marso, ang diskwentong 10 porsiento ang ibibigay ayon sa Chapter 13 ng City Tax Ordinance No. 2000-001. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City Information Office)

 

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -