Baguio: 1,588 na police maitatalaga para sa Panagbenga 2023

0
3

Camp Dangwa, La Trinidad, Benguet – Iniutos ni Police Regional Office Cordillera Regional Director Police Director General Mafelino Bazaar ang pagtatalaga ng mahigit sa 1,588 na pulis para sa Baguio Flower Festival o ang Panagbenga 2023. Sinabi niya na dapat matiyak ang kaligtasan ng publiko at securidad ng bawat isa na dadalo sa pagdidiriwang ng Panagbenga.

Ang mga tauhan ng Baguio City Police Office ay maitatalaga sa mga bus terminal, malls, park, markets at iba pa.

Sinabihan na rin niya ang Benguet Provincial Police Office na magbigay ng security assistance sa mga iba’t ibang tourist spots sa Benguet na inaasahang dadagsain ng mga turista.

Pinaalalahanan din niya ang Baguio City Police Office at ang Benguet Police Provincial Office na makipag -ugnayan sila sa lokal na gobierno na kanilang nasasakupan lalo na sa pagbibigay ng traffic management assistance.

Samantala, ang isang buwang pagdiririwang ng Panagbenga ay mag uumpisa sa Pebrero a Uno ng kasalukuyang taon. Ang pangunahing itatampok na mga palabas ay ang grand street dancing at ng flower float parade sa Pebrero 25 at 26. (Joel Cervantes, photo courtesy of PRO-COR)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here