Baguio: π—žπ—”π——π—œπ—ͺ𝗔 π—‘π—š π—£π—”π—‘π—šπ—¨π—Ÿπ—’ sa π—œπ—§π—’π—šπ—’π—‘ isasagawa na ngayong linggo

0
17
photo courtesy of PRO-CAR

Baguio City – Itogon, Benguet –Β  Ang lokal na pamahalaan ng Itogon sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office o (MAGRO), ay magsasagawa ngΒ  Kadiwa ng Pangulo (KNP) sa bakuran ng Munisipyo sa Itogon Poblacion mula Enero aΒ  30 hangang 31 ng taong ito. Itinatampok ngΒ  Kadiwa ng PanguloΒ  ang mga magsasaka ngΒ  Itogon at ang negosiyante nito sa pagpapakita ng kanilang mga kalakal at produkto.Β  Ang mabibiling produkto ay kasama ang mga luntiang gulay, ang produkto ng pagawaan ng gatas, kape, beans, prutas, kiniing, baboy, itlog atΒ  marami pang iba.Β 

 

Ang Kadiwa ng Pangulo ay ang pangunahing program ng Pangulong Ferdinand Bongbong” Marcos Jr., na nagnanais na gawin ang mga produktong pangagrikultura, pangunahing pangangailangan na mabibili sa abot kayang halaga na pamamagitan ng direktang pakikipag ugnayan sa kanila at ng mga mamimili. 20 bagong empleado tinanggap ng pamahalaang lokal ng Itogon.Pinangunahan ni Itogon municipal Mayor Bernard S. Waclin ang panunumpa ng bagong talagang at itinaas ang ranggo na mga empleado ng naturang munisipyo.Β  Hinikayat ni Mayor Waclin ang mga ito na magsilbi sa publiko na may kasamang kahusayan at dedikasyon . (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/Source: PRO-CAR)

 

Leave a Reply