Bagong graduates kinalma kaugnay sa paghahanap ng trabaho

0
53

Walang dapat ipangamba ang mga bagong graduate na makaranas ng hirap sa paghahanap ng trabaho.

Tiniyak ito ni Bureau of Local Employment Director Dominique Tutay dahil maraming mga kumpanya naman ang tumatanggap ng mga walang work experience lalo na kung ito ay entry level positions lamang.

Ayon sa Talaan, nanguna ang staff nurse, call center agent at accounting staff sa pangunahing posisyon na hindi na kailangan ng work experience.

Ipinabatid naman ng Philippine Business for Education (PBED) na mayroong pitong libong (7,000) trabaho silang inilaan para sa mga senior high school graduates sa mga pribadong srektor.

—-