Back-riding para sa same-sex couples papayagan na rin —JTF

    0
    90

    Papayagan din ang backriding o pag-angkas sa motorsiklo ng mga same sex-couple.

    Ito ang nilinaw ni Joint Task Force Covid Shield Commander Guillermo Eleazar, basta’ t mapatutunayan ng mga ito na nakatira sila sa iisang bahay at nasusunod ang inilatag na protocol tulad ng motorcyle barrier.

    Ayon kay Eleazar, kailangang magpakita ng dokumento ng isang same-sex couple na magpapakitang nasa iisang lugar lamang sila nakatira tulad ng ID.

    Samantala, pinaalalahanan naman ni Eleazar ang mga magka-angkas na couples na tiyaking mayroon munang protective barrier ang motorsiklo habang dapat kapwa naka-facemask at naka-helmet ang riders at angkas bago bumiyahe.

    Ito aniya ay upang hindi na maabala pa at masita ng mga otoridad sa mga ilalatag na random checkpoints.