Babala sa mga namamasyal sa Camp John Hay, Baguio city

0
20

Baguio City – Nagpaalaala ang pamunuan ng John Hay Management Corporation Security sa mga namamasyal sa Camp John Hay trail na maging maingat at maging alerto. Ayon sa isang kalatas na ipinalabas ng John Hay Management Corporation, may sightings daw ng Cobra.

Nagpaalaala din ito sa kanilang mga security guards na huwag magsawang magpaalala sa mga pumupunta sa trail na mag ingat at maging alerto sa paligid.

Ayon pa rin sa kalatas, dahil sa magubat ang Camp John Hay trail, normal lamang na may mga ganon hayop na tulad ng cobra dahil ito ay kanilang normal na tirahan.

Ito’y dapat pag ingatan sa atin paglakbay or pamamasyal sa panahong ito. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy by Abe Reyes)

Leave a Reply