Baguio City – Bumaba ng 51% ang crime rate sa lungsod ng Baguio City batay sa huling datos ti Baguio City Police Office naitala mula sa Enero hanggang Agusto a 14, ng taong ito.
Ito ang sinabi ng hepe ng Baguio City Police Office na walang iba kundi si Police Colonel Francisco Bulwayan Jr., sinabi niya na mula sa 842 crime incidents noong taong 2019 ay umabot lamang sa 428 crime incidents ang nangyari ngayong taon sa parehong taon.
Ayon sa ulat ng BCPO, mula sa 314 na bilang ng Index Crime noong 2019 ay bumaba ng 51 incidente o kaparehong 48% na pagbaba.
Ang mga krimen ay kinabibilangan ng pagnanakaw, pananakit sa kapwa o physical injury, rape, homicide, carnapping ng saskayan, carnapping ng motorsiklo, at maging ang pagpatay o murder.
Samantala sa non-index crimes, mula sa 528 noong taong 2019 ay bumaba sa 277 ang insidente o 52% pagbaba din sa kaparehong panahon.
Bumaba din ang bilang sa 90 incidente o 79% ang pagbaba sa kaparehong panahon sa kaso ng Violence against Women and their Children.
Sa Kabila nito, Sinabi ni Bulwayan na hindi sila nagpapabaya sa kampanya laban sa kriminalidad. (Joel Cervantes, photo courtesy of Baguio City Police Office)