35 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Andanar ipinauubaya na lang sa pangulo ang pananatili niya sa puwesto

- Advertisement -

Nanindigan si Presidential Communications Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na hindi siya magbibitiw sa puwesto.

Ito’y sa harap na rin ng mga umuugong na balitang ikinukonsidera umano ang dating brodkaster na si Jay Sonza na pumalit sa kaniyang puwesto.

Giit ni Andanar, nagsisilbi sila sa pamahalaan batay na rin sa kagustuhan at tiwalang ibinibigay sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Gayunman, ipinauubaya na ni Andanar sa pangulo ang pagpapasya kung nais pa nitong manatili siya sa puwesto o kung papalitan na siya nito.

Sinasabing suportado umano ni Davao City Mayor at Presidential Daughter Sarah Duterte-Carpio si Sonza para sa naturang posisyon bagay na itinanggi ng alkalde.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -