Thursday, May 2, 2024

ANAK NAGDALA NG BARIL SA PAARALAN, INA KINASUHAN

- Advertisement -

NAHAHARAP sa kasong kriminal ang isang nanay makaraang makumpiskahan ng loaded handgun ang kanyang 6-anyos na anak sa loob ng elementary school sa Virginia, USA.

Sa nailathala ng pahayagang Independent, Kaagad na rumesponde ang mga operatiba ng pulisya sa Little Creek Elementary School sa Nortfolk, Virginia kamakalawa ng hapon makaraang makatangap ng tawag sa telepono kaugnay sa isang estudyante na may dalang baril na kargado ng bala.

Nabatid sa ulat na dinisarmahan ng isang school staff ang estudyante saka ibinigay ang baril sa rumespondeng pulis kung saan wala namang napaulat na nasugatan.

Nahaharap naman ang ina ng bata sa kasong ‘allowing access to a loaded firearm by children and contributing to the deliquency of a minor.’

Magugunita, nitong nakalipas na Linggo lamang ay binaril ng isang 6-anyos na estudyante ang isang guro sa loob ng klasrum sa Richneck Elementary School sa Newport.

Nananatiling nasa ospital ang 25-anyos na 1st-grade teacher na si Abigail Zwerner kung saan sinasabing may nakaambang legal action laban sa nasabing school ang mga magulang ng mga estudyante dahil sa naapektuhan ng trauma sa naganap na insidente.

Naniniwala naman ang ilang guro at staff member na bitbit na baril ang bata ilang oras bago maganap ang pamamaril kay Zwerner subalit sa nagsasaliksik sa backpack ng 6-anyos na estudyante ay walang nakitang armas.
MHAR BASCO

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img