Thursday, May 2, 2024

Alejano, Sanggalang nagpasaklolo na sa CA

- Advertisement -

Nagpasaklolo na sa Court of Appeals sina dating Magdalo Partylist Representive Gary Alejano at kasamahan nitong si Jonnel Sanggalang kaugnay ng kasong sedisyon na isinampa laban sa kanila ng PNP-CIDG.

Ito ay para hilingin sa Court of Appeals na pigilan ang Department of Justice (DOJ) na dinggin ang ipinagharap sa kanila na kasong sedisyon.

Sa kanilang inihaing petition for prohibition, iginiit nina Alejano at Sanggalang na walang kapangyarihan ang DOJ na umakto sa kasong hindi maituturing na banta sa seguridad ng bansa.

Maliban dito, pinahaharang din nila Alejano at Sanggalang ang pagtayo ng office of the solicitor general bilang abogado ng PNP – CIDG dahil hindi naman anila nakasampa ang kaso sa Supreme Court o Court of Appeals.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img