29.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Albay Power Rate Ng APEC “No Approved Contract”- Cong. Garbin

- Advertisement -

Wala umanong aprobadong kontrata ang nagpapatuloy na Power Rate ng Albay Power and Energy Corporation (APEC) sa Albay.

Ito ang naging pahayag ni Congressman Alfredo “Pido” Garbin, AKB Party-list Representative.

Ayon kay Garbin, sa sinagawang Budget Hearing ng Department of Energy at Energy Regulatory Commision (ERC) direkta nitong tinanong ang kasalukuyang update ng kanyang inihaing na reklamo noong buwan ng Hulyo patungkol sa mataas na singil sa kuryente, malawakang brownouts, na hanggang ngayon ay wala pang kasagutan.

Naitanong din nito sa ERC kung mayroon ba na approved contract ang APEC para iimplementa ang mataas na power rates sa Albay.

Ayon naman kay ERC Chairperson Agnes Devanadera, lumalabas sa report na wala itong approved contract at nagpalabas na sila ng “show-cause-order” sa APEC para magsumite ng mga hinihinging dokumentos.

Subalit hanggang ngayon, ay wala pa umanong sinusumiteng dokumentos ang APEC dahilan para hindi pa sila makapagdesisyon.

Siniguro naman ng nasabing kongresita na magpapatuloy ang isasagawang imbestigasyon kontra sa APEC.

Sa ngayon, wala pang pinapalabas na opisyal na pahayag an APEC hinggil dito.

(Source: Bicol News)

- Advertisement -
Previous article
Next article

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -