34.7 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Airstrike laban sa Abu Sayyaf sinimulan na ng militar

- Advertisement -

Nagsimula na ang pagbagsak ng mga bomba mula sa attack helicopters ng militar sa mga hinihinalang kuta ng Abu Sayyaf.

Ipinadala na sa Sulu ang attack helicopters kasunod ng deklarasyon ng all-out war ng Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Abu Sayyaf.

Ayon kay Col. Gerry Besana, Spokesman ng Western Mindanao Command (Wesmincom), bago pa man ang twin bombing sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral ay puspusan na ang pagtugis nila sa Abu Sayyaf.

Samantala, kasabay ng airstrike ang pagsalakay naman ng militar at pulisya sa mga hinihinalang kuta ng mga suspects sa pagpapasabog na nakita sa CCTV.

Sa tahanan ng isang alias Kamah, napatay ang kamag-anak nito na nakilalang si Ommal Yusup matapos na di umano’y manlaban nang aarestuhin sana ng awtoridad.

Samantala, nakakatas naman di umano si Kamah at isa pang hindi kinilalang suspek.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -