AFP tiniyak na patuloy na magpapatrolya sa West Philippine Sea

0
49

Patuloy na magpapatrolya ang militar sa West Philippine Sea.

Ito ang tiniyak ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Benjamin Madrigal Jr. sa gitna na rin ng ulat ng presensiya ng daan-daang mga Chinese vessel sa paligid ng Pagasa Island.

Ayon kay Madrigal, may mga ginagawang hakbang na ang militar at maging ang iba pang ahensya tulad ng Philippine Coast Guard (PCG) para matugunan ang nasabing usapin.

Aniya, nagpadala na rin sila ng mga military reports sa mga kinauukulang ahensya para agad na maresolba ang gusot.

Nilinaw rin ni Madrigal na umaabot lamang sa mahigit dalawang daang (200) mga Chinese vessel ang namataan na pabalik-balik malapit sa Pagasa Island batay na rin sa mga nakalagay na numero sa mga bangka.

Una nang isiniwalat ng Western Command na umaabot sa animnaraang (600) mga Chinese vessels ang naispatan sa Pagasa Island sa unang bahagi ng taon.

—-