26.9 C
Manila
Friday, January 28, 2022

Accomplishment report ng Duterte administration inilabas isang araw bago ang SONA

- Advertisement -

Inilabas na ng Palasyo ang accomplishment report ng administrasyon, isang araw bago ang ikatlong State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Saklaw ng 68 pahinang report ang mga achievement ng bawat kagawaran simula July 2016 hanggang July 2017.

Kabilang sa mga tagumpay ng Duterte administration ang P3.767 trillion budget ngayong taon na pinakamalaking pambansang pondo sa kasaysayan ng bansa; mahigit 625,000 karagdagdang trabahong nilikha at ang pagpapasara sa loob ng anim na buwan ng isla ng Boracay sa Aklan para sa rehabilitasyon.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, iba ang magiging tema ng SONA ni Pangulong Duterte ngayong taon kumpara sa nakaraang dalawang ulat sa bayan.

Karaniwan anyang ini-uulat ng Pangulo ang mga nagawa ng gobyerno subalit sa pagkakataong ito ay  pawang mga layunin ng administrasyon sa susunod na isang taon ang ihahayag ng Punong Ehekutibo.

Inaasahang aabutin ng 35 minuto ang SONA speech ni Pangulong Duterte, alas kwatro ng hapon, bukas.

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -

SURVEY QUESTION OF THE WEEK

Kailangan bang may malawak na karanasan at mataas na pinag aralan ang mga tatakbo sa pagka Presidente at Bise Presidente? Oo o Hindi?

- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -