Paglabag sa anti-hazing law at kasong murder ang isasampa ng Philippine National Police (PNP) laban sa 6 na kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na sinasabing nasa likod ng pagmamaltrato at pagpatay kay cadet 4th class Darwin Dormitorio.
Sinabi ni Baguio City Chief of Police Col. Allen Rae Co, isang 1st at 2nd class na kadete at 4 na cadet 3rd class ang sangkot sa krimen.
Pahayag ni Co, bukas nila isusumite sa korte ang kaso laban sa mga suspek matapos aniyang makuhanan ng salaysay ang nasa 16 na testigo.
Base sa ulat ng pulisya, lumalabas na planado at hindi aksidente ang nangyari kay Dormitorio.
Kinilala ang mga suspek na sina cadet 1st class Axl Ray Sanopao, cadet 3rd class’ Shalimar Imperial at Felix Lumbag, Jr.