35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

6-M halaga ng iligal na droga nasabat sa Tondo, Maynila

- Advertisement -

Tinatayang 6.5 million pesos na halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga awtoridad mula sa dalawang tulak ng droga sa ikinasang drug buy-bust operation sa New Antipolo St., Tondo, Maynila.

Kinilala ni National Capital Region Police Office Acting Director Guillermo Eleazar ang mga suspek na sina Girlie Lopez at Leah Carpio, kapwa residente sa nabanggit na lugar.

Ayon kay Eleazar, matagumpay na nakabili ng 5,000 pesos na halaga ng shabu mula sa dalawang suspek ang isang operatiba na nagpanggap na buyer at nang magkaabutan na ng pera at droga, mabilis na dinamba at pinosasan sina Lopez at Carpio.

Nakuha mula sa kanila ang 19 na pakete ng droga na tumitimbang ng halos isang kilo, kasama na rito ang buy-bust money.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -