35.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

528 working visa ng mga dayuhan kinansela – BI

- Advertisement -

Aabot sa mahigit 500 working visa ng mga dayuhan ang kinansela ng Bureau of Immigration (BI).

Ito ay kasunod ng ikinasang “massive audit” ng BI sa mga visa application ng anim (6) na kumpanya kung saan umabot sa kabuuang 528 working visa ang kinansela ng BI.

Nadiskubre kasi ng BI na nagsumite ng mga pekeng alien employment permits ang mga sangkot na kumpanya.

Gayunman, tumanggi naman si Immigration chief Jaime Morente na tukuyin ang mga naturang kumpanya habang ini-imbestigahan pa nila ito.

Samantala, mahaharap naman ang mga dayuhan sa paglabag sa Philippine Immigration Act at ilalagay din ito sa immigration blacklist ng bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -