Thursday, May 2, 2024

4 na DAESH – ISIS inspired ASG, patay sa engkuwentro sa Parañaque City

- Advertisement -

Patay sa pinagsanib na operasyon ng Militar at Pulisya ang 4 na miyembro ng DAESH – ISIS inspired group na Abu Sayyaf sa Parañaque city nitong Biyernes ng madaling araw

 

Kinilala ni Parañaque City Police Chief Col. Robin King Sarmiento ang mga napatay na terrorista ay sina Rasmin Husin, Jamal Kamiling at ang mag-asawang sina Bensaudi Sali At Merhama Abdul Sawari

 

Bitbit ang Warrant Of Arrest laban kina Bensaudi at Sarawi dahil sa kasong Illegal Possession of Firearms, nagtungo ang mga awtoridad sa tahanan ng mga ito sa Better Living Subdivision

 

Nang makita ang mga awtoridad, agad nagpaputok ng baril ang mga tao sa loob ng bahay dahilan upang duon na sumiklab ang ilang minutong bakbakan na nagresulta sa pagkakapatay sa 4

 

Ayon sa Parañaque Police, financial conduit ng terroristang grupo ang mag-asawa na nag-ooperate sa Timog Silangang Asia at may pinaplano umano itong maghasik ng karahasan sa Kalakhang Maynila

 

Nakuha mula sa pag-iingat ng mga napatay ang iba’t ibang financial transactions, mga matataas na baril gayundin ang mga pampasabog at ilang watawat ng ISIS

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img