31K NORTH KOREAN DEFECTORS RESIDENTE NA SA SOUTH KOREA

0
63

UMAABOT na sa 31,000 North Korean defectors na sinasabing hindi kinaya ang pamumuhay na mas masahol pa sa kalupitan sa bansang komunista ay kasalukuyang namumuhay nang matiwasay sa South Korea.

Sa isiniwalat ni Rep. Han Jung-ae ng Democ­ratic Party, lumilitaw sa isinumiteng data sa Ministry of Unification nitong Setyembre 23, aabot sa 65% North Korean defectors ang nakatira na Seoul at Gyeong­gi metropolitan area sa South Korea.

Base sa ulat ng Korea Daily news agency, sa bilang na 31, 377 North Korean defectors na kasalukuyang residente sa South Korea ay aabot sa 7, 950 ang kalalakihan habang ang kababaihan naman ay may bilang na 23,427 kung saan tatlong beses na mas marami ang babae kaysa lalaki.

Ayon sa ulat ng Office of the President ng Republic of Korea, noong Hulyo 14, 2024 ginanap ang kauna-unahang North Korean Defectors Day ceremony sa Blue House Guest House sa South Korea kung saan makikita ang libu-libong residenteng lumuluha sa kasiyahang kanilang nararamdaman.

Sa kasalukuyan,  ang lalawigan ng Gyeonggi ang pinakamaraming NK defectors na aabot sa 11, 080, sinundan naman ng Seoul na may 6,391 habang sa Incheon naman ay 2,988 ang nakatira at sa South Chungcheong at Sejong ay 1,819. Maging sa North Chungcheong ay aabot sa 1,114 at sa Jeju naman ay 358 defectors.

Nabatid kay Rep. Han na ipinatutupad ng kanilang pamahalaan ay mas lalong pag-iba­yuhin ang pagbibigay ng maayos na pamumuhay at laang suporta para sa North Korean defectors kung saan ang kanilang lokal na pamahalaan ng South Korea ay nagtalaga ng protection officers bilang secondary tasks para sa housing, basic welfare at medical support.

Namahagi rin ng certificates sa defectors na sinuportahan naman ang Council kung saan isinailalim na rin ang North Korean defectors sa job training at palakasin ang kapabilidad ng local governments.

MHAR BASCO

Leave a Reply