30.6 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

300,000 manggagawa inaasahang mare-regular bago matapos ang taon

- Advertisement -

Tiniyak ng Department of Labor and Employment o DOLE ang regularisasyon ng nasa tatlong daang libo (300,000) pang mga contractual na manggagawa bago matapos ang taon.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III sa kanyang pakikipag-usap sa mga opisyal ng Employers’ Confederation of the Philippines o ECOP, ipinangako ng mga ito ang regularisasyon ng aabot sa tatlong daang libong (300,000) mga manggagawa sa buong bansa.

Sinabi pa ni Bello, mismong ang mga kumpanyang miyembro ng ECOP ang nagtiyak sa kanya na magpapatupad ng regularization.

Dagdag ni Bello, oras na maipatupad na ang pangako ng ECOP, papalo na sa animnaraang libo (600,000) ang kabuuang contractual employees ang mare-regular ngayong taon.

—-

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -