28.1 C
Manila
Monday, March 4, 2024

3 hinihinalang tulak patay sa buy bust operations sa Laguna

- Advertisement -

Patay ang tatlong hinihinalang tulak ng droga matapos umano manlaban sa ikinasang buybust operation ng pulisya sa Biñan City, Laguna.

Target ng ikinasang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng San Pedro City at Biñan City Police ang isang alyas “Amang” na sinasabing miyembro ng isang drug group.

Ayon sa pulisya, bigla anilang bumunot ng baril ang isa sa mga drug suspect matapos makahalatang pulis na nagpapanggap na poseur buyer ang ka-transaksyon nito.

Nagresulta naman ito sa engkwentro na naging dahilan din ng pagkasawi ng tatlong drug suspect.

Isinugod pa sa ospital ang tatlo pero binawian din ng buhay.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -