Saturday, May 18, 2024

2nd distrito ng Pampanga tanging isinailalim sa state of calamity – Pineda

- Advertisement -

Nilinaw ni Pampanga Governor Lilia Pineda na ikalawang distrito lamang ng lalawigan ang isinailim sa state of calamity.

Kasunod aniya ito ng isinagawang assessment sa naging pinsala sa Pampanga ng tumamang magnitude 6.1 na lindol nitong Lunes.

Ayon kay Pineda, marami ang namatay, nasaktan at nasirang istraktura sa ikalawang distrito ng Pampanga.

Positibo naman si Pineda na madaling makababangon ang Pampanga sa kabila ng trahedyang idinulot ng tumamang malakas na lindol.

Ito aniya ay sa tulong na rin ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na nangako na rin ng ayuda.

Samantala, inanunsyo ni Pineda na may pasok na sa buong lalawigan ng Pampanga ngayong araw.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -