28 STUDES NAG-COLLAPSE DAHIL SA ‘SPIRIT BOARDS’

0
7

AABOT sa 28 estudyanteng babae ang isinugod sa pagamutan makaraang magsuka at mahimatay dahil sa paglalaro ng ‘spirit board’ sa loob ng school sa Colombia kamakalawa ng hapon.

Base sa nailathala ng Daily Mail, naglaro ng Ouija boards o “contact the dead” ang mga estudyante sa Galeras Educational Institution sa Pasto, Southern Colombia kung saan lahat ay nagtumbahan saka isinugod sa pagamutan.

Hinihintay ng mga opisyal ng school ang medical report bago magpalabas ng update na ulat kaugnay sa nasabing insidente.

Base sa kasaysayan, ang Ouija boards (spirit boards) ay inimbento ng spiritualists noong 1886 kung saan may commercial version noong 1890 kaya naging popular.

Magugunita na noong Nobyembre 2022, aabot sa 11 tinedyer na may edad 13 at 17-anyos ang nagsuka dahil sa sakit sa tiyan at muscle spasms kaya nag-collapse makaraang maglaro ng Ouija boards sa isa ring school sa Colombia.

Lumilitaw sa medical report na ang mga tinedyer ay na-food poisoning sa ininom na tubig mula sa pool kung saan isang baso lang ang ginamit.
MHAR BASCO

Leave a Reply