35 C
Manila
Friday, April 19, 2024

21 days nationwide lockdown sa India, pinalawig pa

- Advertisement -

Nagdesisyon si Indian Prime Minister Narendra Modi na i-extend pa ang nationwide lockdown upang mapag-ibayo pa ang mga isinasagawang hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ginawa ni Modi ang desisyon matapos ang pakikipagpulong nito sa mga State Ministers ng India sa pamamagitan ng video conference.

Ayon naman kay Delhi Chief Minister Arvind Kejriwal, tama ang naging pasya ng kanilang Prime Minister na palawigin pa ang nationwide lockdown, ngunit maliban dito ay wala nang ibinigay pa na ibang detalye ang opisyal at hindi rin malinaw kung hanggang kailan magtatagal ang extended lockdown.

Sa social media post ni Kejriwal, sinabi nito na mas maganda umano ang naging aksyon ng India kung ihahambing sa mga developed country dahil maaga aniya nilang ipinatupad ang 21-days lockdown pero kung ipatitigila na aniya ito sa darating na Martes ay mawawalan ng saysay ang lahat ng kanilang ginawang aksyon kontra COVID-19.

Base sa ulat, umakyat na sa 7,447 ang virus cases sa India at 239 dito ang pumanaw.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -