2.5 milyong piso nalikom para sa Out-of-School Youth ng lungsod ng Baguio

0
14
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City – May kabuang  2.5 milyong piso ang nalikom sa Alay Lakad para sa Kabataan ng Bagong Pilipinas  Nationwide Walk event. Ang mga nalikom na pera  mula sa pagbebenta ng ticket ay ibinigay na sa Pangulo ng Liga ng mga Barangay na walang iba kundi si konsehal  Rocky Aliping para sa  128 barangay  para tulungan na magkaroon ng scholarship program ang  out-of-school youth ng lungsod ng Baguio. 

Si Mayor Benjamin Magalong ay agad sumali matapos manggaling sa  Palawan para sa pagbubukas seremonya ng  Batang Pinoy. Sinabi ng alkalde na ang kaganapang ito ay sumasalamin sa ating pagkakaisa at ang ating matibay na malakas na pakiramdam “at bukas ang ating isipan sa pagtulong sa ating kabataan.

Kasabay nito, nagpahayag din ng malalim na pagpapahalaga sa  Alay Lakad Foundation, Inc,at sa mga sumamang opisyal ng lungsod at empleado, punong barangays at opisyal ng  barangay, ang  civic society organizations,ang  Bureau of Fire Protection, ang Baguio City Police Office, ang Philippine Military Academy, ang  Bureau of Jail Management and Penology, ang  BENECO, ang Baguio Water District, at sa lahat na sumama sa alay lakad.  (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply