19 barangay sa Iloilo City isinailalim sa lockdown

0
43

Pumalo na sa 19 na mga barangay sa Iloilo City ang isinailalim sa total lockdown makaraang makapagtala ang mga barangay ng mataas na bilang ng COVID-19.

Ayon sa Public Safety and Transportation Management Office ng lungsod, kabilang sa mga barangay na isinailalim sa lockdown ay mga sumusunod: MV Hechanova, Sambag, Lopez Jaena at Lanit sa Jaro gayundin ang Caingin sa La Paz.

Dahil dito, nagpapatuloy ang isinasagawang relief operations ng pamahalaang lungsod para sa mga naapektuhang residente nito.