Pinangunahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Regional 9 – Zamboanga City Field Office ang oryentasyon sa Occupational Safety and Health Standard (OSHS) para sa 2,421 benepisyaryo ng TUPAD sa City Coliseum sa Barangay Tetuan noong Huwebes, Agosto 06.
Nagpasalamat si Mayor Khymer Olaso na kinatawan ni Executive Assistant Bong Simbajon kina DOLE 9 Regional Director Albert Gutib at DOLE Zamboanga City Field Office Chief Engr. Wesley Tan sa pagsasagawa ng programang TUPAD at OSH na nakalaan para sa mga benepisyaryo mula sa iba’t ibang Barangay sa Zamboanga City.
Ang mga manggagawa ng TUPAD ay tatanggap ng minimum wage na P461 bawat araw at magtratrabaho sa loob ng 20 araw sa ilalim ng pangangasiwa ng mga DOLE focal person sa bawat natukoy na Barangay at sektor ng mga benepisyaryo. (Algie Rojas)
Source: City Government of Zamboanga.
