- Advertisement -
Isinusulong ni Senadora Imee Marcos ang Senate Bill No. 1448 na naglalayong amyendahan ang Republic Act No. 11165 o telecommuting act upang gawing mandatory ang work-from-home scheme kahit matapos na ang coronavirus disease 2019 (COVID-19 pandemic.
Naniniwala kasi ang senadora na hindi na maibabalik pa sa normal at magiging bahagi na ng buhay ng bawat Pilipino sa hinaharap ang pag-obserba sa social distancing at bagong hygiene standards.
Dagdag pa ni Marcos, napatunayan na ng sitwasyon ngayon na posible namang magampanan ng mga empleyado ang kanilang mga trabaho kahit naka work-from-home.
- Advertisement -