30.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

WHO sisimulan na ang imbestigasyon kung saan nagmula ang COVID-19 sa China

- Advertisement -

Sisimulan na ng World Health Organization (WHO) ang pag-iimbestiga ngayong araw, kung saan nagmula at kung paano kumalat ang coronavirus disease (COVID-19) sa China.

Bubuuin ang mga mag-iimbestiga ng 12 international experts ng WHO at ilang national experts mula sa mismong bansa ng China.

Nakatakdang bumisita ang mga ito sa tatlong probinsya ng China kung saan posibleng pinagmulan ng naturang virus.

Samantala, hindi naman kasama ng mga grupo na mag-iimbestiga sa China ang US centers for diseases control and prevention, na una nang nag-alok ng tulong simula pa noong buwan ng Enero.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -