30.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

WHO magpapadala ng isang grupo ng experts para imbestigahan ang pinagmulan ng COVID-19 sa China

- Advertisement -

Tila na pressure ang World Health Organization (WHO) na magpadala ng isang grupo ng experts sa China para imbestigahan ang pinagmulan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ang nasabing hakbang ayon kay WHO Chief Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus ay bilang tugon na rin nila sa panawagan ng maraming bansa.

Tiwala ang WHO na makikipagtulungan ang China sa nasabing imbestigasyon para mabunyag na rin kung saan talaga nagmula ang nasabing virus na pumatay na sa mahigit kalahating milyon sa buong mundo.

Magugunitang iginiit nina US President Donald Trump at Secretary of State Mike Pompeo na ang COVID-19 ay nagmula sa isang laboratoryo na nag-leak sa China.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -