33.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Water level sa ilang dam sa Luzon nabawasan

- Advertisement -

Muling nabawasan ang antas ng tubig sa ilang dam sa bahagi ng Luzon.

Ayon sa PAGASA hydrometeorology division, nabawasang muli ang lebel ng tubig sa Angat dam na nasa 189.23 metro na mas mababa kaysa sa lebel nito kahapon.

Nabawasan rin ang antas ng tubig sa La Mesa dam na nasa 78.4 na metro ngayong ala sais ng umaga.

Bumaba rin ang mga water level sa Ambuklao, Magat at Caliraya dams.

Samantala, bahagya namang nadagdagan ang lebel ng tubig ng Ipo, Binga, San Roque at Pantabangan dams.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -