Tumaas ang antas ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na magdamag.
Batay sa tala ng PAGASA-Hydrology Division ngayong Huwebes, December 9, alas-6 ng umaga, sumampa sa 194.52 meters ang water level Angat —mas mataas ito ng 1.05 meters kaysa sa 193.47 meters na naitala kahapon.
Tumaas din ng bahagya ang antas ng tubig sa La Mesa dam —mula sa 77.55 meters na naitala kahapon ay sumampa naman ito sa 77.61 meters ngayong araw.
DAM UPDATE: Antas ng tubig sa Angat Dam at sa iba pang dam sa Luzon ngayong alas-6 ng umaga | via @PAGASAFFWS pic.twitter.com/G7jao6FP5c
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) December 4, 2019
Tumaas din ang mga lebel ng tubig sa Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya.
Samantala, bahagya namang bumaba ang mga antas ng tubig sa Ipo at Binga dams.