Radio Philippines Network
Headlines National News

Walang mapuputulan ng kuryente hanggang August 31 —Meralco

Walang mapuputulan ng suplay ng kuryente hanggang ika-31 ng Agosto.

Ito ang tiniyak ng Meralco para mabigyan anila ng panahon ang kanilang mga consumers na maintindihan ang kanilang bills o bayarin.

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, nagsasagawa na sila ng one-on-one na pagpapaliwanag sa kanilang mga customers hinggil sa kanilang mga billing.

Hindi aniya magpapalabas ng disconnection letters ang Meralco hanggang sa mga susunod na buwan at kasalukuyan silang nakatuon sa pagbibigay ng matatag na suplay ng kuryente.

Sinabi ni Zaldarriaga, malaking hamon para sa kanila ang paghawak sa mga reklamo at pagpapaliwanag sa kanilang mga customers.

Dagdag ni Zaldarriaga, nauunawaan naman anila ang kalagayan ng kanilang mga customers at posibleng pag-aralan kung palalawigin pa ito matapos ang ika-31 ng Agosto.

Related posts

14 OFW mula Middle East balik bansa na

Powered by DWIZ

PDEA pabor sa pagsasapubliko ng narco-list bago ang halalan

Powered by DWIZ

Dagdag singil sa kuryente nakaamba ngayong taon

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More