28.9 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Walang magaganap na house-to-house search — Spox

- Advertisement -

Walang magaganap na house-to-house search o pagbabahay bahay para hanapin at tukuyin ang mga indibidwal na positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Presidential Spokesman Atty. Harry Roque, wala namang probisyon o direktibang inilabas hinggil sa house-to-house search para sa mga COVID-19 patients.

Anya, ang gagawin lamang ng mga otoridad ay samahan at dalhin sa mga itinakdang quarantine facilities ng pamahalaan ang mga pasyente na hindi kuwalipikadong mag home o self quarantine.

Gayunman, sinabi naman ni Roque na hindi naman agad-agad ililipat ang mga pasyenteng hindi kuwalipikado sa home quarantine dahil kinakailangan na sila mismo ang mag report sa mga otoridad, at maari rin namang ang mga kaanak o ang barangay mismo ang magbigay alam sa kinauukulan.

Batay sa bagong istratehiyang ipinatutupad ng Department of Health (DOH), papayagan lamang sumailalim sa home quarantine ang mga asymptomatic COVID-19 patients kung mayroon   sariling kwarto at banyo sa kanilang tahanan, at wala rin silang kasamang vulnerable persons gaya ng buntis at senior citizen.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -