33.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Wala munang itatanghal na athlete of the year sa UAAP season 82

- Advertisement -

Wala munang itatanghal na athlete of the year, ngayong ika-82 season ng UAAP.

Ayon kay Atty. Rebo Saguisag, executive director ng UAAP, ang desisyon aniya ng pamunuan ng UAAP ay dahil may ilang mga atleta ang hindi nakapaglaro dahil sa mga kanseladong laro, bilang pag-iingat kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sa tala ng UAAP, ilan sa mga naapektuhang laro sa collegiate level ay ang mga sumusunod: volleyball, football, baseball, softball, 3×3 basketball, at iba pa.

Samantala, nakatakda namang itanghal ang University of Santo Tomas (UST), bilang champion ngayong season.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -