33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

VP Robredo nagsalita na kaugnay sa naging pahayag ni Pangulong Duterte laban sa Naga City

- Advertisement -

Nagsalita na si Vice President Leni Robredo hinggil sa bansag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Naga City na hotbed o kanlungan umano ng shabu.

Ayon sa pangalawang pangulo, malaking insulto aniya ang naturang pahayag ng pangulo lalo na sa mga taga – Naga na aniya’y isa sa mga lungsod na nangunguna sa pagsugpo sa iligal na droga.

Iginiit ng pangalawang pangulo, kung siya talaga ang target o nais patamaan ng pangulo, dapat na ituon na lamang nito ang atensyon sa kaniya at huwag nang idamay ang buong Naga.

Magugunitang nagsilbi ng anim na termino bilang alkalde ng Naga ang yumaong asawa ni VP Leni na si Dating Secretary Jesse Robredo bago itinalaga bilang kalihim ng DILG noong 2010.

Una rito, nagpasa ng resolusyon ang city council para kundenahin ang binitiwang pahayag na ito ng punong ehekutibo na ipadadala nila sa palasyo ng Malakaniyang.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -