35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

VP Leni nilinaw na wala pa siyang balak tumakbo sa Eleksyon 2022

- Advertisement -

Kumambiyo si Vice President Leni Robredo hinggil sa umano’y pagiging bukas nito sa pagtakbo sa halalang pampanguluhan sa taong 2022

Sa isang panayam, sinabi ni Robredo na hindi naman niya sinasabing tatakbo siya sa pagkapangulo sa 2022, subalit nananatili pa ring bukas ang kaniyang mga pagpipilian hinggil dito

Naniniwala si Robredo na tadhana ang nagdidikta sa kung sino ang magiging Pangulo ng bansa at hindi iyon aniya pinagpaplanuhan lalo’t tatlong taon pa bago ang susunod na halalan.

Magugunitang inamin ni Robredo sa naging panayam sa kaniya ng Bloomberg tv kamakailan na nakahanda na siyang humarap sa panibagong hamon bilang oposisyon at binubuksan na aniya nito ang lahat ng posibilidad sa hinaharap

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -