35.4 C
Manila
Friday, April 19, 2024

VP Leni, Mayor Madel Alfelor, Nagpadala Ng Tulong Sa Buhi

- Advertisement -

Iriga City –  Nagpadala ng tulong ang mga opisina nina Vice President Leni Robredo at Mayor Madel Alfelor sa mga nasalanta ng bagyong Rolly sa bayan ng Buhi. Naganap ang relief operation kahapon sa Brgy. Sta. Cruz at Brgy. Ipil na kung saan ay maraming residente ang naapektuhan ng bagyo.

Personal na tumulong sa relief operation si Mayor Madel Alfelor at ang LGU Iriga City staff. Nakilahok din sina Hon. Myrna Sf. Imperial, Hon. Belle Nonato, at Hon. Raul Libardo sa pamimigay ng relief goods.

Nasa isang libong (1,000) food packs na galing sa opisina ni VP Leni ang pinamigay sa mga residente ng mga nasabing barangay. Samantala, nagdala rin ng mahigit sa isang libong water gallons si Mayor Madel Alfelor ng Iriga City.

Tumulong sa operasyon ang Akhro, Kabalikat-336, at LGU Buhi staff.

(Photo courtesy by Jan Miles Manaog and Venerando Claveria)

(Source: LGU Buhi)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -