Voter’s registration sa Comelec balik operasyon na

0
16

Nakatakdang mag-resume bukas, September 1 ang voter registration.

Kasunod ito nang paglalabas ng mga panuntunan ng Comelec sa publiko sa hinggil sa ipatutupad na health protocols sa Comelec offices.

Ipinabatid ng Comelec na ang pagpaparehistro ay maaring gawin mula Martes hanggang Sabado, alas 8:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon kabilang na ang holiday.

Pinayuhan ang publiko na magparehistro muna o mag-download ng application form sa http://comelec.gov.ph bago magtungo sa Comelec office at magdala ng sariling ballpen.

Kailangang sulatan ang form na dadalhin at isusumite sa comelec.

Ipinaalala ng Comelec ang pagsusuot ng face mask, face shield. Mag sanitize at gumamit ng foot bath bago pumasok sa tanggapan ng Comelec.