Volcano eruption death toll sa New Zealand sumampa na sa 16

Volcano eruption death toll sa New Zealand sumampa na sa 16

by Powered by DWIZ
29 views

Pumapalo na sa 16 ang bilang ng mga nasawi sa pagsabog ng bulkan sa New Zealand.

Ayon sa mga otoridad, dalawa pang biktima ang nasawi habang ginagamot sa ospital.

Mayroon pang mga labi na hindi pa umano nakukuha sa isla dahil hindi pa ligtas na i-retrieve ng mga otoridad.

Dalawampu’t walo (28) pa ang nasa ospital at lima pa lamang dito ang nasa ligtas nang kondisyon.

Ang bulkan sa White Island na popular sa mga turista ay biglang pumutok noong Lunes at nasaksihan mismo ng halos 50 katao na naroon.

0 comment

Related Posts