Villar: P3-B pondong pambili ng palay ‘di inalis sa 2020 budget

Villar: P3-B pondong pambili ng palay ‘di inalis sa 2020 budget

by Powered by DWIZ
21 views

Nilinaw ng Senado na hindi nila inalis ang tatlong bilyong pisong pondo pambili ng palay sa 2020 budget.

Ang ginawang paglilinaw ay kasunod ng paratang ni Albay Congressman Joey Salceda na binawasan ng Senado ang tatlong bilyong pisong pondo bilang ayuda sa mga magsasaka sa susunod na taon.

Ayon kay Committee on Agriculture Chairman Senator Cynthia Villar, hindi nila ito tinapyas kundi inilipat lamang ang naturang pondo sa National Food Authority.

Aniya, sa naturang halaga ay bibigyan ng 5,000 pisong cash ang nasa 600,000 magsasaka sa bansa na walang isang ektarya ang sakahan.

Samantala, iginiit rin ng senadora na ito ay magsisilbing tulong sa mga magsasaka na naaapektuhan ng pagdagsa ng imported na bigas matapos ang pagsasabatas sa Rice Tarrification Law.

0 comment

Related Posts