31.9 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Villanueva umapela sa DOH na magsagawa ng real-time epidemiological surveillance ng COVID-19 sa bansa

- Advertisement -

Umaapela si Senador Joel Villanueva sa Department of Health (DOH) na magsagawa ng real-time epidemiological surveillance upang maagapan ang pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ayon kay Villanueva, ang kakulangan kasi ng monitoring ng mga health authorities ang siyang dahilan ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Paliwanag nito na dapat alam ng mga otoridad kung saan ang mga hotspot upang makapagsagawa agad ng random testing sa lugar para malaman kung gaano na kalawak ang pagkalat ng virus.

Dagdag pa nito, sa pamamagitan ng epidemiological monitoring at surveillance ay mabibigyan ang mga otoridad ng mas malinaw na larawan ng sitwasyon ng COVID-19 sa bansa na siyang makatutulong sa pagbuo ng istratehiya kung paano mapipigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Aniya, dapat itong aksyunan ng pamahalaan upang hindi na muling ibalik ang malawakang lockdown na nagiging dahilan ng pagtigil-operasyon ng mga negosyo sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -