27.2 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Universal Health Bill posibleng ganap na maging batas bago ang Pasko

- Advertisement -

Kumpiyansa si Senate Committee on Health Chairman Senator JV Ejercito na ganap ang magiging batas ang Universal Health Bill.

Matatandaang kahapon ay pasado na sa Bicameral Conference Commitee ang naturang panukalang batas at hinihintay na lamang maratipikahan ito para maisumite at ma review ng Office of the President.

Ayon kay Ejercito, target na maipasa ito bilang isang ganap na batas bago ang Pasko.

“’Yung disagree portion ay naayos na po, hopefully ma-ratify natin by next week ang bicam report at mapadala na sa Malacañang for review, sana talaga ang panalangin ko na bago mag-Pasko ay mapirmahan ng Pangulo ito, napakaganda pong regalo ito sa ating mga kababayan.” Ani Ejercito

Sinabi pa ni ejercito na napagkasundo na sa bicam ang ilang mahahalagang isyu tulad ng pagsiguro na hindi tataas ang premium ng philhealth kung walang dagdag benepisyo at pagkakaroon ng incentive sa mga regular contributory members.

“Magkakaroon po ng separate package, magkakaroon po ng sort of an incentive for being loyal contributors sa ating national health insurance napagkasunduan na rin po ‘yun.” Pahayag ni Ejercito

(Ratsada Balita Interview)

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -