28.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Unang polio case —matapos ang 27 taon— naitala sa Malaysia

- Advertisement -

Balik sa Malaysia ang polio matapos ang 27 taon –matapos dapuan nito ang isang tatlong-buwang gulang na batang lalaki.

Ayon kay Dr. Noor Hisham Abdullah, director general ng Ministry of Health, na ang biktima ay mula sa Tuaran, Sabah at nagpositibo sa polio noong Biyernes matapos maconfine sa ospital nang may lagnat at muscle weakness.

Ginagamot na aniya ang bata at nasa stable condition na subalit kailangan pa rin ng tulong para makahinga.

Sinabi pa ni Abdullah na ang polio strain na tumama sa bata ay nagpapakita ng genetic links ng polio virus na naitala sa Pilipinas.

Dahil sa muling pagbabalik ng polio sa Malaysia, palalawakin ang immunization coverage.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -