30 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Unang kaso ng Coronavirus kinumpirma ng Japan gov’t

- Advertisement -

Kinumpirma ng pamahalan ng Japan ang naitalang unang kaso ng Coronavirus.

Ipinabatid ng isang Japanese official na isang Chinese national na bumiyahe sa Wuhan, Eastern China kamakailan ang nagpositibo sa nasabing virus.

Ang naturang Chinese national na may edad 30, at naninirahan sa Kanagawa Prefecture, ay nakaramdam ng mga sintomas ng Coronavirus nang bumalik ng Japan nitong nakalipas na January 6.

Nakarekober naman ang nasabing lalaki at nakalabas na rin ng ospital.

Ang nasabing virus na ang mga sintomas ay katulad ng pneumonia ay nakaapekto sa maraming indibidwal sa China smula pa noong isang buwan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -